5 lalawigan sa Luzon isinailalim sa heavy rainfall warning ng PAGASA
Limang lalawigan sa Luzon ang nakasailalim pa rin sa heavy rainfall warning dahil sa nararanasang patuloy at malakas na buhos ng ulan.
Sa 7:00AM rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang nakataas sa Bataan at Batangas.
Habang yellow warning level naman sa Cavite at Zambales.
Ayon sa PAGASA, Habagat pa rin ang nagpapaulan sa nasabing mga lalawigan.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Laguna na tatagal sa susunod na tatlong oras.
Habang sa susunod na 1 hanggang 2 oras, sinabi ng PAGASA na bubuhos din ang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Metro Manila, Rizal at Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.