AFP wala pa ring namomonitor na banta sa SONA

By Rhommel Balasbas July 23, 2018 - 04:38 AM

Walang namomonitor na ‘potential threat’ o banta ang Armed Forces of the Philippines na maaaring makaabala sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato na wala pa silang natatanggap na intelligence report na mayroong mga local terrorist groups ang may planong manggulo sa SONA.

Gayunman, nanawagan ang opisyal sa publiko na iulat sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang indibidwal at aktibidad sa mga paligid.

Iginiit ni Detoyato na ang laban sa terorismo at pagpapanatili sa kapayapaan ay responsibilidad ng lahat.

Nauna nang itinaas ng AFP noong alas-8 ng Biyernes ang ‘red alert’ sa AFP General Headquarters (GHQ) at AFP Wide Service Support Units (AFPWSSUs) bilang simbolo ng kanilang kahandaan sa pagresponde sa anumang banta na maaaring sumiklab sa SONA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.