PNP, AFP handa na sa SONA ni Duterte

By Chona Yu July 22, 2018 - 02:56 PM

Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na magiging patas ang pagtrato ng mga pulis sa mga raliyista na pro at anti-Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na hahayaan ng kanilang hanay na manatili sa tapat ng St. Peters Church sa Commonwealth Avenue ang mga anti-Duterte protesters habang ang mga pro-Duterte naman ay mananatili sa IBP road sa Quezon City.

Pakiusap ni Eleazar sa mga pro at anti-Duterte protesters na sumunod sa mga napagkasunduan para hindi mauwi sa marahas ang kilos-protesta.

Sa ngayon aniya, aabot sa 7,000 pulis kung saan 13 security sub task group mula sa civil disturbance management ang magbabantay sa SONA ng pangulo.

Bukod sa mga sundalo, barangay officials, Metro Manila Development Authority (MMDA) at public safety officer ng Quezon City, makakasama rin aniya ng PNP ang mga kinatawan sa Commission on Human Rights (CHR) para masiguro na hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga raliyista.

Ayon kay Eleazar, handing-handa na ang pnp sa sona ng pangulo.

TAGS: AFP, PNP, Rodrigo Duterte, SONA, AFP, PNP, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.