Heavy rainfall warning, itinaas sa iba’t ibang lalawigan sa bansa
Naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon.
Batay sa 9:00 am heavy rainfall warning ng PAGASA, itinaas sa red warning level ang lalawigan ng Zambales at Bataan.
Samantala, itinaas naman ang orange rainfall warning sa Cavite habang yellow warning level sa Metro Manila, Bataan, Laguna, Batangas at Rizal.
Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat dulot ng Bagyong Josie.
Sinabi pa ng weather bureau na malaki ang posibilidad ng pagbaha sa mga nasabing na lugar lalo na sa low-lying areas.
Bunsod nito, mararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Quezon at nalalabing parte ng Zambales sa susunod na tatlong oras.
Muling nagpaalala ang PAGASA sa publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.