Inanunsyo ng Landbank of the Philippines na magiging available na ngayong araw, July 22 ang kanilang ATMs at electronic banking channels.
Ito ay matapos makaranas ng technical problems ang ATMs simula Biyernes na nagresulta para hindi ito magamit ng publiko.
Bubuksan din ang lahat ng Landbank branches ngayong araw mula alas-8:30 ng umaga hanggang tanghali na may sapat na bilang ng staff para ma-accommodate ang mga kliyente.
Kahapon araw ng Sabado ay binuksan din ang lahat ng branches ng bangko sa Metro Manila at pili naman sa mga lalawigan.
Muling humingi ng paumanhin ang Landbank sa abala na idinulot ng technical problem sa mga kliyente nito.
Nauna nang nilinaw ng bangko na ang problema ay hindi dulot ng pag-hack sa kanilang system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.