2 lungsod at 4 na bayan sa Pangasinan, isinailalim sa state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang mga lungsod ng Dagupan at San Carlos, mga bayan ng Bugallon, Lingayen, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan.
Ito ay bunsod pa rin ng pagbahang dulot ng halos isang linggo ng pag-uulan.
Ayon kay Pangasinan-Provincial Risk Reduction Disaster Management Office Information Officer Rondale Castillo, 15 lugar sa lalawigan ang nalubog sa baha.
Ang mga naturang lugar ay ang mga sumusunod:
• Agno
• Alaminos
• Bautista
• Bayambang
• Bugallon
• Calasiao
• Dagupan
• Dasol
• Lingayen
• Malasiqui
• Mangaterem
• Natividad
• Urdaneta
• San Carlos
• Santa Barbara
Ayon sa PDRRMO, bumigay ang isang embankment o harang sa Alibago, Santa Barbara na dahilan ng pag-apaw ng tubig mula sa Sinucalan River.
Naapektuhan ng insidenteng ito ang lebel ng tubig ng mga ilog sa Calasiao at Dagupan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.