Asahan na ang tuloy tuloy na pagbulusok sa ratings ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, sa susunod na survey siguradong babagsak na sa ikatlong puwesto si Binay dahil sa pagkakasangkot nito sa korupsyon at iba pang anomalya.
Base sa pinakahuling Pulse Asia Presidential Survey, naungusan na ni Senador Grace Poe si Binay kung saan nakakuha si Poe ng 30 percent habang 22 percent si Binay.
Sinabi pa ni Trillanes, tiyak nang aatras sa Presidential Derby si Binay dahil hindi na muling aangat ang ratings nito.
Samantala, binalaan ni Senador Francis Escudero si Senadora Grace Poe na humanda sa mas matinding atake o paninira sa kanyang pagkatao kasunod na rin ng resulta ng pinakahuling ng Pulse Asia Presidential Survey.
Matatandaang una nang kinuwestyun ni United Nationalist Alliance Interim President Toby Tiangco ang residency ni Poe habang si Vice President Jejomar Binay iginiit na hindi dapat na ipagkatiwala ang pamumuno ng bansa sa isang lider na walang karanasan at sapat na kakayahan.- Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.