AFP naka-red alert na para sa SONA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 05:01 PM

Itinaas na ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang status sa red alert mula ngayong araw (Biyernes, July 20) bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Ayon kay AFP public affairs chief Col. Noel Detoyato, wala naman silang namomonitor na anumang banta sa nalalapit na SONA.

Kinakailangan lang aniyang itaas ang full alert para matiyak na kumpleto ang pwersa ng sandatahang lakas mula weekend.

Ang Joint Task Force-National Capital Region ay magtatalaga ng 1,021 na sundalo para sa SONA upang tumulong sa pwersa ng Philippine National Police (PNP).

Ani Detoyato pwedeng mabago pa ang bilang depende sa sitwasyon sa Lunes.

Pawang tauhan ng Philippine Army, Air Force at Navy ang mga ipakakalat na sundalo.

TAGS: AFP, Radyo Inquirer, red alert, SONA, AFP, Radyo Inquirer, red alert, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.