Thunderstorm ang nagpapaulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan – PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 04:49 PM

Credit: PAGASA

Inuulan pa rin ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 3:35 ng hapon, itinaas nito ang thunderstorm advisory sa Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, Makati, Taguig at Pateros.

Sakop din ng abiso ang Bacoor, Imus, Kawit, Rosario, Tanza, at Tagaytay sa Cavite; mga bayan ng Laurel at Talisay sa Batangas; Morong, Baras, at Tanay sa Rizal, Sta Maria, Famy, Mabitac, Siniloan, at Pangil sa Laguna; Capas, Bamban, Concepcion, at La Paz sa Tarlac; Mabalacat, Angeles, Magalang, Macabebe, Guagua, at Minalin sa Pampanga; Bagac, Limay, at Mariveles sa Bataan at mga bayan ng Norzagaray at Dona Remedios sa Bulacan.

Heavy hanggang intense na pag-ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar na maaring tumagal ng dalawang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.