Pagpatay sa brodkaster sa Albay pinaiimbestigahan na ng Presidential Task Force on Media Security
Pinaiimbestigahan na ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pamamaslang sa Daraga, Albay sa radio broadcaster na si Joey Llana.
Ang direktiba ay ginawa ni PTFoMS Director at Undersecretary Joel Egco kasabay ng pagkondena sa panibagong kaso ng media killing.
Sa pahayag ni Egco, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa Provincial Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office 5 (Bicol) kaugnay ng pananambang kay Llana.
Sinabi din nito na base sa pamilya ni Llana matagal nang nakakatanggap ng banta sa buhay ang brodkaster pero hindi nito isinusumbong sa mga otoridad.
Kaugnay nito, nanawagan si Egco sa mga miyembro ng media na i-report agad ang mga natatanggap nitong banta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.