Inflation rate tataas pa ngayon buwan ayon sa DOF

By Jan Escosio July 20, 2018 - 03:35 PM

Posibleng tumaas pa ang inflation rate sa bansa o ang pagtaas ng halaga ng mga serbisyo at bilihin sa hanggang 5.3 percent ngayong Hulyo

Ayon sa Department of Finance (DOF), maaring mas maging mabilis ang maitalang pagtaas ng pangunahing bilihin para sa buwan ng Hulyo ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni DOF chief economist Gil Beltran maaring makapagtala ng 5.3 percent infalation rate ngayon buwan at mahigitan ang naitalang 5.2 percent noong nakaraang buwan, na pinakamataas na sa loob ng limang taon.

Aniya patuloy na tumaas ang halaga ng mga produktong mula sa tabako, maging ang mga produktong-petrolyo, bahay, tubig at kuryente.

Ang naitatalang inflation rate average ay 4.3 percent na lubhang mataas sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2-4 percent.

Umamin na ang Bangko Sentral na maaring sumablay ang kanilang target forecast na 4.5 percent ngayon taon dahil sa pagtaas ng sahod at pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ilalabas ang July inflation rate sa unang linggo ng susunod na buwan.

TAGS: BUsiness, DOF, inflation rate, Radyo Inquirer, BUsiness, DOF, inflation rate, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.