Bahagi ng Commonwealth Ave. maagang isasara sa Lunes

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 12:09 PM

Simula alas 12:01 pa lamang ng madaling araw isasara na sa daloy ng traffic ang bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) madaling araw ng Lunes, July 23, sarado na ang kahabaan ng eastbound lane ng Commonwealth Avenue simula sa Tandang Sora hanggang sa Batasan.

Ang mga motorista ay pinapayuhan na iwasan ang nasabing ruta para hindi maabala.

Para makaiwas sa traffic, ang mga motorista na galing Fairview patungo ng Elliptical Road ay pinapayuhang dumaan sa Fairlane Street, kanan sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Lilac o Chesnut Street, kanan sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo patungong Mindanao Avenue.

Kung galing naman sa Elliptical Road at magpupunta sa Fairview ay maaring kumanan sa Visayas Avenue, kaliwa sa Congressional Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan muli sa Old Sauyo Road o Quirino Highway patungo sa destinasyon.

Pwede ring alternatibong ruta ang North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road o Quirino Highway.

TAGS: commonwealth avenue, mmda, road closure, SONA, commonwealth avenue, mmda, road closure, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.