42 patay sa aksidente sa France

By Len Montaño October 23, 2015 - 05:26 PM

FranceApatnapu’t dalawa ang patay na karamihan ay mga matatanda, sa salpukan ng bus at trak sa France.

Ang 41 sa mga nasawi ay pawang mga pasahero ng bus habang ang isa pang nasawi ay ang driver ng trak.

Naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan sa Southwestern France.

Ito na ang maituturing na deadliest accident sa nasabing bansa mula noong taong 1982.

Mula sa Athens kung saan siya may official visit ay sinabi ni French President Francois Hollande na nag-mobilize na ang gobyerno matapos ang trahedya.

Nagtamo naman ng minor injuries ang limang pasahero na nagawang makalabas sa nasunog na bus.

Ang tatlong iba pang mga pasahero ay hindi nasaktan.

Galing sa isang village malapit sa pinangyarihan ng aksidente ang bus na may sakay na apatnaput-siyam na mga pasahero. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na pupunta sa isang excursion.

TAGS: FranceAccident, FranceAccident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.