Patay ang isa habang hindi bababa sa sampu ang sugatan sa karambola ng labing-isang sasakyan sa North Luzon Expressway o NLEX.
Ayon kay Police Senior Supt. Gregorio Lim, hepe ng Northern Police District, dead on arrival sa FEU Hospital ang hindi pinangalanang biktima.
Naganap ang insidente sa South bound ng NLEX Valenzuela kaninang bago mag-tanghali.
Sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok ang isang 10-wheeler na truck sa isang kotse hanggang sa nadamay na rin ang iba pang sasakyan.
Paliwanag ng tsuper ng truck, nawalan raw ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.
Nagdulot naman ng mabigat na trapiko sa NLEX ang nasabing aksidente, pero agad na nagsagawa ng clearing operations sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.