Bangsamoro Transition Commission kumbinsido sa inaprubahang Bangsamoro Organic Law
“Overwhelmed.”
Ganito inilarawan ni Bangsamoro Transition Commission at MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar ang kanilang nararamdaman matapos aprubahan ng Bicameral Conference Committee ang Organic Law for Bangsamoro o mas kilala sa tawag na Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Jaafar, maaring hindi ito perpektong batas pero maganda na anya itong panimula.
Pinasalamatan din nila ang mga mambabatas sa ginawang pag reconcile sa mga probisyon ng BBL.
Napakahalaga anya ng nasabing batas para sa mga moro at iba pang mga nanirahan sa kanilang rehiyon.
Ang inaprubahang panukala ay tinawag na Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na lilikha sa bagong entity, ang Bangsamoro Autonomous Region, na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa most contentious issues na pinagdebatehan sa panukala ang territorial jurisdiction ng Bangsamoro Region kung saan sa ilalim ng final draft, lahat ng mga lalawigan na kabilang sa ARMM tulad ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ay mananatiling kabilang dito.
Maari namang madagdag ang Cotabato City, Isabela City, 6 bayan sa Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotabato kapag bumoto ang mga taga rito aa plebesito pabor sa pagsama sa Bangsamoro Region.
Ang mga kalapit na lugar naman na nais mapabilang sa Bangsamoro Region ay maaring mapasama kung magpapasa ng resolusyon ang local government nito o kaya naman ay petition ang mga taga rito at aaprubahan ng hindi bababa sa 10 porsyento ng mga registered voters sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.