33 pasahero isinugod sa ospital matapos mawalan ng cabin pressure ang sinasakyang eroplano
Isinugod sa ospital ang 33 mga pasahero makaraang mag-emergency landing ang sinasakyan nilang eroplano na nawalan ng cabin pressure sa Frankfurt Germany.
Patungo sana sa Croatia ang Ryanair flight FR7312 galing Dublin nang ito ay mawalan ng cabin pressure at agad nag-divert sa Frankfurt Hahn Airport.
Ayon sa statement ng airline company, agad nagdeploy ng oxygen masks ang kanilang crew nang mawalan ng pressure ang cabin, gayunman, ilan sa mga pasaherong dinala sa ospital ay dumanas ng pagdurugo ng tainga.
Sakay ng nasabing flight ang aabot sa 189 na mga pasahero.
Tiniyak naman ng Ryanair na sila ang gagastos sa hotel accommodation ng mga naapektuhang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.