Lalaking tumangay ng P250K na halaga ng gamit sa simbahan sa Marikina, arestado

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 19, 2018 - 06:39 AM

Arestado ang isang lalaki na nanloob kamakailan sa simbahan sa Marikina City at tinangay ang mahahalagang gamit doon.

Kinilala ni Marikina City Police chief, Sr. Supt. Roger Quesada ang suspek na si Jun Carl Masujer alyas Obama.

Ayon kay Quesada, nilooban ni Masujer kasama ang iba pang suspek ang Sta. Elena Chapel noong July 14.

Tinangay umano ng suspek ang aabot sa P250,000 na halaga mga gamit sa misa at korona ng mga imahe na nasa loob ng simbahan.

Positibong kinilala ng mga testigo si Masujer na nakita nilang lumabas ng chapel noong araw na naganap ang pagnanakaw.

Patuloy pa ang follow up operations para sa ikadarakip ng ibang kasama ni Masujer.

TAGS: metro, Radyo Inquirer, Robbery, metro, Radyo Inquirer, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.