Bagyong Inday napanatili ang lakas

By Rhommel Balasbas July 19, 2018 - 05:03 AM

Napanatili ng bagyong Inday ang lakas nito habang nasa karagatan sa Silangan ng Batanes.

Batay sa 4am weather advisory ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 840 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang hanging aabot sa 60 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

‘Almost stationary’ o halos hindi kumilos ang bagyo mula sa pagtaya ng PAGASA kagabi.

Habang kumikilos pa-Hilagang-Silangan, hahatakin ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng mahina hanggang sa katamtaman ngunit paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.

Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at inaasahang sa Sabado ng hapon ay nasa labas na ng PAR.

Paminsan-minsang mga pag-uulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Wala namang masyadong kaulapan sa Visayas at Mindanao kung saan maganda ang panahon na mararanasan liban na lamang ng mga pag-ulan bunsod ng isolated rainshowers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.