Flood control projects ng MMDA, pinamamadali nang tapusin

By Rhommel Balasbas July 19, 2018 - 02:47 AM

Nanawagan si Quezon City Rep. Winston Castelo, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development sa Metro Manila Development Authority na tapusin na agad ang mga nabalam na flood control projects nito.

Iginiit ng mambabatas na dapat ay tapusin na ang mga proyektong ito na dapat ay noong nakaraan pang taon tapos dahil mayroon nang sapat na pondo para rito.

Sa ulat ng Commission on Audit, lumabas na ang pagbabago sa pamamahala sa MMDA ay nagpabagal sa pagtapos sa mga proyekto.

Lumalabas na sa 68 flood control projects noong nakaranag taon ay 47 ang nabalam.

Sinabi ng mambabatas na kung natapos sana ang mga proyekto ay maaaring nakatulong ang mga ito upang maiwasan ang pagbabaha na nagpalubog sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Kabilang sa mga delayed na proyekto ay nasa mga flood-prone areas sa Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Makati at Quezon City.

Nagkahalaga ng P337.46 milyon ang kontrata ng 47 nabalam na proyekto.

Kumpyansa naman si Castelo na sa bagong MMDA management sa ilalim ni Chairman Danilo Lim ay makatutugon ang ahensya sa mga obserbasyon ng COA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.