58k katao sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, apektado ng pag-ulan at baha

By Isa Avendaño-Umali July 18, 2018 - 05:47 PM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Umabot sa 58,000 ang mga residenteng apektado ng serye ng pag-ulan at malawakang baha sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan sa Luzon.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Disaster Response and Management Bureau, kabuuang 58,115 na katao o 14,291 na pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.

Kabilang sa mga ito ay evacuees mula Marikina City at Quezon City.

Nasa 500 family food packs ang naipamahagi ng DSWD sa mga bakwit sa ibat’ ibang evacuation centers sa Marikina, habang 300 food packs naman para sa apektadong pamilya sa Lungsod Quezon.

Tiniyak ng DSWD na bibigyan ng food at non-food items din ang mga nasa probinsya.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, handa ang kanilang ahensya na tulungan ang mga lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng kanilang constituents.

Samantala, sa pagtungo ng Radyo Inquirer sa Barangay Silangan sa Quezon City, may ilang pamilya pa rin ang nasa designated evacuation centers.

Pero karamihan sa mga residente ay nag-uwian na sa kani-kanilang tahanan dahil wala masyadong pag-ulan, bagama’t sinabi ng PAGASA na binabantayan nila ang kilos ng Bagyong Inday.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.