Araw ng Linggo ilalaan ni Duterte sa paghahanda sa SONA
Todo paghahanda na ang Malacañang para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa Linggo o bisperas ng SONA ay magpa-practice ang pangulo sa kanyang speech sa Malacañang.
Sinabi ni Roque na magbabasa ng talumpati ang pangulo gamit ang telepromter.
Una rito, sinabi ni Roque na tatatagal lamang ng tatlumpu’t limang minuto ang SONA ng pangulo.
Ayon kay Roque, hindi malayo na matalakay muli ng pangulo sa kanyang SONA ang problema sa iligal na droga, ekonomiya ng bansa, isyu sa katiwalian sa gobyerno, Pederalismo, Bangsamoro Basic Law at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.