Dating Brgy. Chairman na drug dealer arestado

By Isa Avendaño-Umali July 18, 2018 - 06:24 PM

Arestado ang isang dating barangay chairman na itinuturing na 2nd level high value target batay sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakilala ang suspek na si Renato Tengsico, 72 years old at sinasabing most wanted person ng Ilocos Sur.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Sixto Diompoc ng Branch 72 ng Narvacan, Ilocos Sur Regional Trial Court, nahuli si Tengsico sa ginawang joint operation ng mga otoridad kahapon ng gabi (July 17) sa Caldino Apartments, sa Barangay 179, Bagumbong, Caloocan City.

Ang ex-barangay chairman ay lider ng Tengsico-Cabreros Drug Group na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur.

Naaresto na noon si Tengsico dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Illegal Drugs at nahatulan, pero upang makaiwas sa pananagutan ay tumakas siya at nagpalipat-lipat ng lugar hanggang sa matunton siya sa Caloocan City.

Sa pagkakahuli sa suspek, narekober mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may market value na P20,000.

TAGS: caloocan city, drugs, Ilocos Sur, tengsico, caloocan city, drugs, Ilocos Sur, tengsico

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.