Buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ito ay kahit na nadadawit sa kontrobersiya si Bello kaugnay sa kwestyunableng i-DOLE card.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinauubaya na ng palasyo sa Presidential Ant-Corruption Commission (PACC) ang pag-iimbestiga kay Bello at iba pang opisyal ng DOLE.
Nauna nang sinabi ni Bello na libre ang i-DOLE card na magsisilbing all-in-one I.D ng mga overseas filipino workers na maaring gamitin sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.
Gayunman, nadismaya ang mga OFW dahil may bayad ang i-DOLE card.
Ayon kay Roque, kumpiyansa pa rin aniya ang pangulo sa serbisyo ni Bello.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Bello na may ilang grupo ang interesado sa kanyang posisyon.
Mayroon rin umanong mga pwersa ang sumisira sa kanyang pangala lalo’t interesado siya sa posisyon bilang Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.