Hype pinagpapaliwanag ng LTFRB dahil sa overcharging

By Den Macaranas July 18, 2018 - 04:23 PM

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Hype Transport Systems Inc. dahil sa paniningil ng dagdag na pasahe.

Kundi tatalima ang nasabing Transport Network Company ay pwedeng makansela o makasuhan ang mga nasa likod ng Hype.

Sinabi ng LTFRB na inulan sila ng mjga reklamo ng mga pasahero ng Hype dahil sa paniningil ng dagdag na P2.00 per minute sa kanilang travel time.

Nilinaw ng ahensya na hindi otorisado ang nasabing dagdag bayad na ipinatutupad ng Hype.

Ipinaliwanag pa ng LTFRB na ang pinagtibay lamang nila ay ang P40.00 na flagdown rate at dagdag na P14.00 per kilometer charge sa bawat byahe.

Binigyan lamang ng limang araw ang Hype para ipaliwanag ang kanilang panig sa inilabas na show cause order.

Nanawagan naman sa publiko ang LTFRB na iparating lamang sa kanilang tanggapan ang mga paglabag partikular na sa dagdag pasahe ng mga TNCs at ito ay kanilang kaagad na aaksyunan.

TAGS: BUsiness, Hype, ltfrb, overcharging, tnc, BUsiness, Hype, ltfrb, overcharging, tnc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.