Disney at Marvel, tampok sa AsiaPOP Comicon Manila 2018
Sa kauna-unahang pagkakataon, masasaksihan ng Filipino fans ang pagbubukas ng Hall D kung saan magkakaroon ng exclusive content mula sa Disney kasabay ng mga inihandang surpresa ng Marvel para sa AsiaPOP Comicon Manila sa darating na July 27 hangang 29 na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Espesyal ang Hall D dahil ito ang unang pagkakataong ipapamalas ng Walt Disney Company Philippines ang kanilang mga kasalukuyang proyekto at ang mga dapat abangan ng kanilang fans.
Ang Walt Disney Company Philippines ang nagpasikat sa karakter na si Mickey Mouse sa Asya.
Ipapasilip din ng Hall D ang DisneyLife, isang one-stop app kung saan maaring mapanood ng fans ang mga palabas ng Disney, Pixar, Star Wars, at Marvel.
Makikisaya rin sa okasyon ang legendary animator na si Mark Henn na kasama sa mga lumikha ng mga Disney Princesses na sina Ariel, Belle, and Jasmine pati narin ang warrior na si Mulan at ang karakter ng Young Simba mula sa Lion King.
May mga nakahanda namang supresa lalo na sa mga Marvel fans na hindi pa nakaka- get over sa kamakailang Avengers Infinity War ang Hall M. Magkakaroon dito ng mga pasilip sa mga pelikula, TV shows, mobile games at animation na handog ng Marvel Studios.
Ito na ang pangatlong beses na makikisaya ang Marvel sa AsiaPOP Comicon at nangako sila ng content mula sa Captain America Civil War and Doctor Strange, at mga bagong trailer mula sa Thor Ragnarok at Black Panther.
Available na ang tickets para sa APCC Manila 2018 at bisitahin ang kanilang official social media accounts para sa mga karagdagang updates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.