Ilang local government nag-anunsyo ng work suspension

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 10:17 AM

Kuha ni Dona Dominguez

Suspendido na ang pasok ng mga manggagawa sa Manila City Hall at Paranaque City Hall ngayong araw.

Inanunsyo ni Manila Mayor Joseph Estrada na mula alas 12:00 ng tanghali maari nang umuwi ang mga kawani ng city hall.

Hindi naman sakop ng suspensyon ang mga empleyado na bahagi ng quick response team gaya ng mga nasa social welfare department, MDRRMO, DPS, health department, engineering at traffic bureau.

Sa Paranaque, sinuspinde na rin ang government work para mabigyang pagkakataon ang mga empleyado na makauwi na lamang dahil sa hindi magandang panahon.

Exempted din sa suspensyon ang mga nasa basic service at emergency preparedness and response.

Sa Rizal naman, kapwa nag-anunsyo na rin ng work suspension ang mga bayan ng Cainta at Rodriguez.

TAGS: LGUs, Radyo Inquirer, weather, works suspension, LGUs, Radyo Inquirer, weather, works suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.