Bumagsak ang tiwala ng publiko sa Office of the President ayon sa pinakahuling Public Trust Index (PTI) 2015 na inilabas kahapon.
Lumalabas na 2 sa 10 Pilipino lamang ang naniniwalang ang mga pinuno sa administrasyong Aquino ay may political will, malasakit sa mga mamamayan, at tumupad sa mga pangako nila sa kanilang mga kampanya.
Ayon sa report ng EON sa nasabing survey, malaking bahagi ng mga mamamayang Pilipino ang kumbinsidong hindi naabot ng administrasyon ang panuntunan nila sa pagbibigay ng kanilang tiwala.
23% lang ng general public ang naniniwalang kayang panatilihin ng pamahalaan ang kapayapaan at seguridad sa bansa, habang 22% naman ang sumang-ayon na natulungan nito ang mga mahihirap.
Sa kabuuan, naiwan sa pangatlo sa huli ng listahan ng mga institusyon ang gobyerno.
Sa hanay naman ng mga ahensya ng gobyerno, nangunguna at naungusan pa ng local government units (LGUs) ang Office of the President bilang most trusted government agency sa rating na 19%, na sinundan naman ng Korte Suprema at mga Regional Trial Courts.
Samantala, nanatiling nangunguna sa trust index sa hanay ng mga insititusyon at lumalabas na pinakapinagkakatiwalaan ng mga mamamayan ang Simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.