Orange warning nakataas sa Metro Manila at 3 lalawigan sa 8AM rainfall warning ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 08:39 AM

Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan itinaas muli ng PAGASA ang orange warning level sa Metro Manila, Rizal, Bataan at Zambales.

Nangangahulugan itong ang nasabing mga lugar ay nakaranas na ng intense rainfall sa nakalipas na mga oras at inaasahang magpapatuloy sa susunod na tatlong oras.

Pinaghahanda ang mga residente sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite, Nueva Ecija at Northern Quezon.

Habang light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nakaaapekto sa Laguna, Batangas at nalalabi pang bahagi ng Quezon na maaring tumagal sa susunod na tatlong oras.

 

TAGS: orange rainfall warning, Radyo Inquirer, weather, orange rainfall warning, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.