Orange warning level nakataas sa Metro Manila at 3 lalawigan
Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan itinaas muli ng PAGASA ang orange warning level sa Metro Manila, Rizal, Bataan at Zambales.
Nangangahulugan itong ang nasabing mga lugar ay nakaranas na ng intense rainfall sa nakalipas na mga oras at inaasahang magpapatuloy sa susunod na tatlong oras.
Pinaghahanda ang mga residente sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite, Nueva Ecija at Northern Quezon.
Habang light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nakaaapekto sa Laguna, Batangas at nalalabi pang bahagi ng Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.