DSWD handang tumulong sa mga apektado ng mga pag-uulan
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa itong magbigay ng relief assistance sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dulot ng Habagat.
Ayon sa field offices ng kagawaran sa National Capital Region, Gitnang Luzon at MIMAROPA, inalerto na nila ang kanilang quick response teams at action teams mula sa mga probinsya at bayan na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Nakahanda na rin ang sapat na bilang ng mga relief goods para ipamahagi sa apektadong populasyon.
Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, nasa 2,300 pamilya o 7,447 indibidwal ang apektado ng habagat sa 13 baranggay sa Gitnang Luzon at CALABARZON.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.