Kim Jong-Un sinopla ang kanyang mga opisyal dahil sa delayed projects

By Rhommel Balasbas July 18, 2018 - 04:23 AM

Dismayado si North Korean leader Kim Jong-Un sa ilang mga opisyal ng gobyerno matapos madiskubreng ilan sa mga economic projects ay mabagal ang usad.

Kadalasang umaani ng papuri ang mga opisyal ng NoKor sa isinasagawang factory visits ni Kim.

Gayunman, ayon sa state media na KCNA, ‘speechless’ ang lider matapos maabutang isa sa mga power plants ay 70% pa lamang na kumpleto.

Matagal nang isinusulong ng Pyongyang ang economic progress na ikalawang prayoridad kasunod ng paggawa ng nuclear weapons.

Sumailalim sa inspeksyon ni Kim ang apat na proyekto sa North Hamgyong province.

Dito niya nadiskubre na matapos ang 17 taon, 70 prosyento pa lamang na nabubuo ang Orangchon power station.

Binatikos din niya ang dumi ng mga bathtubs sa Onpho holiday resort.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.