UNA President, naaalarma sa pangunguna na ni Sen. Grace Poe sa Presidential Survey

June 18, 2015 - 01:59 PM

tiangco-660x656
Navotas Rep. Toby Tiangco

Naaalarma si United Nationalist Alliance o UNA Interim President at Navotas Rep. Toby Tiangco sa paglampas na ni Senadora Grace Poe kay Vice President Jejomar Binay sa latest Presidential Survey ng Pulse Asia.

Para kay Tiangco, si Binay pa rin ang karapat-dapat na mahalal na susunod na Pangulo ng Pilipinas dahil bukod aniya sa may kakayahan si Binay, kwalipikado rin ang Pangalawang Pangulo na sumabak sa Presidential Race.

Dahil dito, sinabi ni Tiangco na magsisipag daw ng husto si Binay, hindi lamang para muling manguna sa surveys, kundi para makatulong sa paglutas sa kahirapan ng bansa.

Ipagpapatuloy din aniya ni Binay ang trabaho nito na pangalagaan ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs at ipursige ang mga proyekto sa sektor ng pabahay.

Matatandaang sinabi noon ni Tiangco na hindi raw uubra na tumakbo si Poe sa Presidential o Vice Presidential Race sa 2016 dahil sa isyu ng residency nito. – Isa Avendano Umali

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.