Sen. Bam Aquino tiniyak na buong Senado ay kontra sa Cha–Cha express
Sa kanyang pagdalo sa nagpapatuloy na pagdinig ukol sa itinutulak na pagbabago sa Saligang Batas, kumpiyansa si Sen Bam Aquino na ang buong Senado ay kontra sa madaling pagpapasa ng draft Federal Constitution.
Aniya duda siya na may senador, kaalyado man ng administrasyon o oposisyon, ang papaya na masalaula ang proseso sa pagpapalit ng Saligang Batas.
Reaksyon na ito ng senador kaugnay sa mga ulat na ang joint session sa State of the Station Address (SONA) ay maaring gamitin na Constituent Assembly para baguhin na ang 1987 Constitution.
Ibinahagi nito na nagkasundo ang buong Senado na hindi sila papayag na madaliin ang pagbabago sa Konstitusyon.
Dagdag pa ni Aquino mas makakabuti na ibaling muna ang atensyon sa mga napapanahong isyu sa lipunan partikular na ang nakakaapekto o para sa kapakanan ng sambayanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.