China magpapatayo ng bagong tulay sa Maynila

By Chona Yu, Den Macaranas July 17, 2018 - 05:50 PM

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ng dalawang tulay na itatayo sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing mga tulay na pinondohan ng Chinese government ay ang P3.75 Billion na Binondo-Intramuros bridge at at ang expansion ng Estrella-Pantaleon bridge na nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City.

Dumalo rin sa nasabing event ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Sec. Mark Villar.

Present rin sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Chinese Embassy sa pangunguna ni Ambassador Zhao Jinhua.

Sinabi ng pangulo na maitatayo ang nasabing mga tulay sa loob lamang ng 30 buwan na mapapakinabangan ng mga motorista sa Maynila.

Sa kanyang talumpati ay tinawag ng pangulo na mabuting kapit-bahay ang China na patuloy sa pagbibigay ng tulong sa bansa.

Ayon kay Duterte, “I have had the honor of meeting President Xi and talked about a lot about friendships and cooperation. I would just like to tell everybody that in all of this discussions, China never ask for any, not even a one square of real estate in this country”.

Nilinaw rin ni Duterte na walang hinihinging kapalit ang China sa kanilang pagtulong partikular na sa bahagi ng mga lupain na sakop ng bansa.

Sa pambihirang pagkakataon ay tumagal lamang ng halos ay pitong minuto ang talumpati ng pangulo at wala siyang pinakawalang mga mabibigat na pananalita sa kabuuan ng kanyang speech.

TAGS: Binondo, bridge, China, duterte, pasig river, zhao jinhua, Binondo, bridge, China, duterte, pasig river, zhao jinhua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.