Mga binabahang lugar sa Q.C bantay-sarado na ng rescue units
Nakatutok na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga barangay na apektado ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Habagat at Bagyong Henry.
Ayon kay Karl Michael Marasigan, Hepe ng QCDRRMO, partikular nilang minomonitor ang mga mababang lugar sa lungsod kabilang na ang mga baranggay ng Roxas, Tatalon, Dona Imelda, Damayang lagi, Apolonio Samson, Sto. Domingo, Del Monte at Masambong.
Kaugnay nito, sinabi rin ng opisyal na mayroon na silang mga response unit na nag-iikot sa mga barangay.
Naka-posisyon na rin ang kanilang rescue boats sa oras na kailanganin sa paglikas ng mga residente mula sa flood-prone areas.
Sakali namang mangailangan ng tulong, sinabi ni Marasigan na maaring tumawag sa kanilang 122 emergency hotline o sa mga numerong 928-4396 at 927-5914.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.