Maliban sa China, serye at pelikula mula ibang bansa ipalalabas din sa PTV 4 – PCOO

By Ricky Brozas July 17, 2018 - 12:23 PM

Nilinaw ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na hindi lamang mga teleserye at pelikula ng China kundi maging ng ibang bansa ay bibida rin sa bagong bihis na PTV 4.

Sa panayam kay Andanar sa PTV 4 Trade Launch sa Marquis Event Place sa Taguig City, binigyang-diin na walang dapat ikabahala ang publiko partikular ang Senate Minority bloc dahil hindi lamang China ang kanilang prayoridad sa pakikipagpalitan ng mga pelikula at TV series.

Meron din aniyang mga palabas galing Russia, Japan, South Korea, Campbodia, Thailand at Myanmar na mapapanood sa government channel.

Ipinaliwanag ni Andanar na layun nito ang malayang promosyon ng kultura ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas habang libre rin tayong makakapag-promote ng sarili nating mga palabas sa kanilang mga bansa.

“Ang mahalaga po dito yung mga prigrama na ibibigay sa atin ay libre. Wala po tayong gastos dun and of course, yung programa na meron tayong matutunan pagdating sa kanilang kultura or maybe just a glimpse of their technology and also the way that they produce shows,” dagdag ng kalihim.

Bukod sa kultura, tiniyak ni Andanar na matututo rin ang bansa sa iba’t ibang teknolohiya o larangan na ginagamit ng ibang bansa sa kanilang mga produksyon.

TAGS: andanar, China, ptv4, andanar, China, ptv4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.