Isa pang LPA sa loob ng bansa binabantayan ng PAGASA
Maliban sa bagyong Henry, isa pang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ng PAGASA.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 825 kilometers east ng Infanta, Quezon.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, posibleng maging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 36 hanggang 48 oras kaya patuloy itong babantayan ng weather bureau.
Ang naturang LPA at ang bagyong Henry ay kapwa nagpapaibayo sa Habagat na siyang naghahatid ng malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.