Sen. Binay, gustong pag-usapan muna ang visitor capacity ng Boracay bago muling buksan sa publiko
Nais ni Sen. Nancy Binay na pag-usapan muna ng mga opisyal ang visitor capacity ng isla ng Boracay bago muli itong buksan sa publiko.
Ayon kay Binay, dapat magtakda ang mga opisyal na guidelines kung gaano kadaming bisita ang kaya ng Boracay.
Ito ay aniya para hindi mapunta sa wala ang isinagawang rehabilitasyon sa isla.
Sa mga naunang mga pag-aaral at lumalabas na ang bilang ng mga pumunta sa Boracay ‘at any given time’ ay lagpas sa kapasidad ng isla.
Kaugnay ito, ayon kay Local Government Undersecretary Epimaco Densing ay nakatakdang lumabas sa Agosto ang pinal na pag-aaral sa carrying capacity ng Boracay.
Dagdag ni Binay, sa oras na lumabas na ang nasabing pag-aaral ay dapat sundin ito at payagan lang ang nasabing bilang na makapunta sa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.