Kustodiya ng dalawang Chinese na sangkot sa pamamaril, ililipat sa Chinese authorities-DFA

By Kathleen Betina Aenlle, Ricky Brozas October 23, 2015 - 03:04 AM

 

Mula kay Apple Mae Ta-as/Cebu Daily News

May diplomatic immunity ang dalawang Chinese diplomat na nasangkot sa pamamaril sa isang restaurant sa Cebu City na ikinamatay ng dalawang staff ng Konsulada ng China at ikinasugat ng kanilang Consul General.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, kasabay ng pahayag na maari lamang i-turn-over ang dalawa sa mga otoridad sa Beijing.

Paliwanag ni Jose, maari lamang sumailalim sa ligal na proseso ng China ang mga suspek na sina Li Qing Ling, 60 taong gulang at misis nito na si Consul Gou Jing.

Sa oras aniya na dumating ang security team mula sa Beijing, ilalagay na ang mga suspek sa kanilang kustodiya.

Dagdag pa ni Jose, masusi aniya ang kooperasyon ng embahada ng China sa Manila at konsulda nito sa Cebu sa mga otoridad ng Pilipinas hinggil sa imbestigasyon.

Tinutugunan aniya ng magkabilang-panig ang kaso salig sa Vienna Conventions on Diplomatic and Consular Relations at ng 2009 Consular Agreement sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at People’s Republic of China.

Samantala bagaman mayroong diplomatic immunity ang dalawang suspek, ipinapatuloy pa rin ng Malacañang sa Philippine National Police ang pagiimbestiga sa dalawang suspek alinsunod sa batas ng Pilipinas.

Dagdag ni Jose, dahil hindi pwedeng magsagawa ng imbestigasyon dito ang mga otoridad ng China, kakailanganin nila ang resulta ng imbestigasyon dito sa Pilipinas bilang batayan sa kasong itutuloy nila sa mga suspek.

Ayon naman sa tagapagsalita ng foreign ministry ng China na si Hua Chunying, iniimbestigahan pa nila ang insidente at sa ngayon ay hindi pa sila makapagbibigay ng ibang detalye.

Matatandaang sugatan sa pamamaril ang Consul General na si Song Rong Hua habang patay naman sa insidente ang kanyang staff na sina deputy consul Sun Shan at finance officer Hui Li.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.