Signal #1 nakatataas pa rin sa 4 na lugar sa bansa dahil sa bagyong Henry
Nananatiling isang tropical depression ang Bagyong Henry pero patuloy nitong pinalalakas ang Habagat na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 415 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal #1 sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, northern portion ng Apayao, at Ilocos Norte.
Bukas ng umaga sinabi ng PAGASA na lalabas na ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.