Lalaki pinagtataga ang asawa sa Camarines Sur
Nagpatiwakal ang isang lalaki matapos niyang pagtatagain ang asawa sa bayan ng San Fernando, Camarimes Sur.
Kinilala ang lalaki na si Joel Marco, 38 taong gulang.
Ayon sa San Fernando Municipal Police, nag-aaway si Joel at kanyang asawang si Vivian gabi ng Sabado nang sa kalagitnaan ng diskusyon ay pinagtataga ng lalaki ang biktima.
Sa ngayon ay hindi pa batid ang ugat ng kanilang pagtatalo.
Ayon sa mga otoridad, isang bolo ang ginamit ni Joel sa pag-atake sa kanyang asawa.
Matapos ito ay kumuha naman ng lubid ang lalaki at ginamit ito upang magpatiwakal.
Sugat sa ulo ang tinamo ni Vivan na sa ngayon ay nagpapagaling na sa Bicol Medical Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.