FIFA World Cup 2022 gaganapin sa Qatar

By Justinne Punsalang July 16, 2018 - 01:38 AM

AP

Ipinasa na ng Russia sa Qatar ang hosting duties para sa FIFA World Cup na magaganap sa taong 2022.

Sa isinagawang handover ceremony sa Kremlin, mismong si Russian President Vladimir Putin ang nag-abot ng ceremonial football kay Qatari Emir Sheikh Tamim bin Hamad al-Thani, na sinaksihan naman ni FIFA President Gianni Infantino.

Ayon kay Putin, naging matagumpay ang 2018 World Cup at kumpyansa siyang matatamasa ng Qatar ang kaparehong tagumpay bilang host ng World Cup sa 2022.

Aniya pa, masaya ang kanilang buong bansa matapos silang pagdausan ng naturang world sporting event.

Para naman sa emir ng Qatar, isang malaking karangalan ang paghohost ng World Cup na inaasahan niyang magiging mala-piyesta sa kanilang bansa.

Aniya pa, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang malampasan ang mga balakid sa pagho-host ng World Cup, lalo na’t maliit lamang silang bansa.

Samantala, para sa kasalukuyang FIFA World Cup, ang France ang nag-uwi ng kampeonato matapos talunin ang koponan ng Croatia sa iskor na 4-2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.