BBL, maari nang makalusot sa constitutionality – Lobregat

By Chona Yu July 15, 2018 - 02:59 PM

Inquirer file photo

Umaasa si Zamboanga city Congressman Celso Lobregat na kakayanin na ng bagong bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na malagpasan ang constitutionality kapag kinuwestyun na sa Supreme Court (SC).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Lobregat na ito ay dahil sa natanggal na ang ilang kwestyunableng probisyon sa BBL.

Malinaw na kasi aniya sa bagong bersyon na ang Commission on Elections (Comelec) lamang ang maaring mangasiwa sa eleksyon at hindi ang bubuuing Bangsamoro region at ang Commission on Audit (COA) pa rin ang mag-audit sa pondo at internal auditing lamang ang maaring gawin ng Bangsamoro region.

Gayunman, sinabi ni Lobregat na tanging ang Katas-taasang Hukuman lamang ang magkakaroon ng huling pagpapasya sa BBL.

Hindi pa rin aniya maaring maalis ang posibilidad na maideklarnag unconstitutional ang BBL.

Constituonal body klaro ang election ang Comelec ang magsasagwa hindi ang Bangsamoro Auditing internal ang pwede sa Bangsamo hindi ang auditing sa COA par in national.

TAGS: BBL, Rep. Celso Lobregat, BBL, Rep. Celso Lobregat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.