Walang naitatalang untoward incident ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa “Lingap Laban sa Kahirapan” ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na bagama’t patuloy ang pagbuhos ng ulan, maayos at matiwasay naman ang event ng INC.
Umabot ng nasa 70,000 katao ang dumalo na Quirino Grandstand at maaring tumaas pa ang bilang hanggang sa mamayang hapon.
Humihingi naman ng pang-unawa si Eleazar sa mga apektadong motorista na iwasan na muna ang lugar sa Maynila para makaiwas sa abala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.