Mga raliyista, CHR pupulungin ng NCRPO para sa 3rd SONA ni Duterte

By Chona Yu July 15, 2018 - 02:25 PM

Inquirer file photo

Todo paghahanda na ang ginagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na mayroong pakikipagpulong ang kanilang hanay sa araw ng Miyerkules sa iba’t ibang grupo ng mga raliyista, Commission on Human Rights (CHR), barangay officials at iba pa para ilatag kung hanggang saang lugar papayagan ang mga magnanais na magsagawa ng kilos-protesta.

Hahayaan aniya ng NCRPO na makalapit sa Batasan Complex basta’t hindi magdudulot ng gulo at hindi makaabala sa mga motorista at sa mga bisita sa SONA.

Hindi na rin aniya maghihigpit ang NCRPO sa ‘No Permit, No Rally Policy’ dahil malinaw ang utos ni Pangulong Duterte na hayaan ang mga raliyista na makapaglabas ng saloobin basta’t tiyakin na magiging maayos at matiwasay
lamang ito.

Sinabi pa ni Eleazar, hindi na rin maglalagay ang kanilang hanay ng mga barb wire at mga container van sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para ipangharang sa mga raliyista.

Sa halip, sinabi ni Eleazar na mga pulis galing sa Civil Disturbance Management (CMD) ang magbabantay sa lugar at paiiralin ang maximum tolerance.

Wala rin aniyang dalang armas ang mga tauhan ng CMD kundi batuta lamang. Gayunman, May armas ang ibang pulis na security detail pero malayo aniya sa mga raliyista o sa mga nasa standby areas lamang.

Wala naman aniyang namomonitor ang kanilang hanay na banta sa seguridad.

TAGS: Chief Supt. Guillermo Eleazar, CHR, kilos-protesta, NCRPO, SONA, Chief Supt. Guillermo Eleazar, CHR, kilos-protesta, NCRPO, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.