Higit 2,000 clinics, itatayo ng DepEd sa public schools sa 2019
Magtatayo ang Department of Education (DepEd) ng 2,101 clinics sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, layon ng mga klinika na matiyak na suportado ang basic primary health at dental care ng mga kabataan.
Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na gagawing clinic ang ilang classrooms ng mga paaralan.
Magsisilbi rin aniya ang mga klinika bilang physical centers ng Oplan Kalusugan o “OK sa DepEd” program.
Sinabi pa ng opisyal na magkakaroon ng klinika ng dental chairs, medical at examination tables, at iba pa.
Magsisimula aniya ang implementasyon ng klinika sa pagsisimula ng susunod na taon oras na aprubahan ito ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.