LPA na malaki ang posibilidad na maging bagyo, nakapasok na ng PAR

By Rhommel Balasbas July 15, 2018 - 06:02 AM

Pumasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA na malaki ang posibilidad na maging bagong bagyo.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,030 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras at papangalanang ‘Henry’.

Ngayong araw, uulanin ang Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro at Western Visayas bunsod ng Habagat.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Metro Manila, CALABARZON, Marinduque at Romblon ay patuloy na makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Dahil sa trough ng low pressure area ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas.

Sa buong Mindanao naman at nalalabing bahagi ng bansa ay ‘generally fair weather’ ang mararanasan na uulanin lamang bunsod ng isolated thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.