6 sugatan sa huling araw ng San Fermin Festival sa Spain
Umabot sa anim ang nasaktan sa huling araw ng ‘Running of the Bulls’ bilang bahagi ng selebrasyon ng San Fermin Festival sa Pamplona, Spain.
Literal na sumabit ang isa sa mga taong nakitakbo sa sungay ng toro sa bull run at nakaladkad pa ng ilang metro.
Ayon kay Navarra provincial hospital spokesman Tomas Belzunegui, anim ang sugatan sa bull run na tumagal ng 2 minutes at 12 seconds.
Nakumpleto ng mga toro ang 930-yard o 850-meter course.
Tradisyonal na isinasagawa ang bull run na sinasabayan din ng mga tao sa loob ng walong araw.
Sa pagtatapos ng pista, umabot sa 28 katao ang nasugatan kung saan dalawa ang nasaksak ng sungay ng toro.
Dumadayo ang humigit-kumulang isang milyong katao para matunghayan ang naturang pista kung saan kabilang sa mga pinakasikat na atraksyon ang sayaw, kainan at alak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.