Pagbigat ng daloy ng trapiko, asahan sa NLEX at SCTEX dahil sa road works
Asahan ng mga motoristang daraan sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic, Clark, Tarlac Expressway (SCTEX) ang mabagal na daloy ng trapiko sa susunod na mga araw dahil isasara ang ilang lanes mula 2 araw hanggang 1 linggo.
Ayon sa NLEX Corporation, isasara sa anumang uri ng sasakyan ang ilang bahagi ng NLEX at SCTEX para bigyan daan ang maintenance works at bridging retrofitting.
Layon ng hakbang na mapanatili ang maayos na kundisyon ng expressway at tiyakin ang kaligtasan ng publikong dumaraan sa NLEX at SCTEX.
Apektado ng maintenance works at bridge retrofitting ang sumusunod:
Maintenance Works
NLEX:
– Bahagi bago ang Mindanao Toll Plaza kung saan isasara ang middle lane mula July 16 hanggang 20.
– Bahagi ng Meycauayan Interchange northbound at southbound entry at exit ramp na isasara mula July 13 hanggang 20.
– Bahagi ng Marilao Interchange northbound at southbound entry at exit ramp na isasara mula July 13 hanggang 20
– Bahagi ng Sta. Rita Interchange northbound at southbound entry at exit ramp na isasara mula July 13 hanggang 20
– Bahagi ng San Fernando Interchange northbound exit ramp na isasara mula July 13 hanggang 20
SCTEX:
– Bahagi ng Porac hanggang Concepcion, Tarlac direction, outermost lane na sarado mula July 16 hanggang 18
– Bahagi ng Porac hanggang Concepcion, Subic direction, outermost lane na isasara mula July 18 hanggang 20
– Bahagi ng Dinalupihan hanggang Floridblanca, Tarlac direction, outermost lane na isasara mula July 16 hanggang 18
– Bahagi ng Dinalupihan hanggang Floridablanca, Subic direction, outermost lane na isasara mula July 18 hanggang 20
– Bahagi ng Dinalupihan, Tarlac direction, outermost lane na isasara mula July 16 hanggang 20
Bridge Retrofitting
NLEX (July 14-20):
– Sta. Rita northbound at southbound, outermost lane
– San Simon southbound, outermost lane
– Candaba Viaduct southbound, outermost lane
– Valenzuela northbound, innermost lane
– Torres Bugallon, Valenzuela northbound, innermost lane
SCTEX:
– Jad jad Bridge, Subic direction na isasara mula July 16 hanggang 18
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.