BSP, nagpasaklolo sa NBI laban sa mga nagpapakalat ng pekeng pera
Humingi ng tulong ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa National Bureau of Investigation para matunton ang mga indibidwal o mga grupo na nagpopost sa social media ng mga defaced na pera.
Kaugnay ito ng mga lumalabas na online post ng mga gawa-gawa lang na pera ng Pilipinas.
Hiniling din ng BSP sa NBI na kilalanin ang mga pasimuno ng pagpapakalat ng fake news para lokohin o aliwin ang publiko sa pamamagitan ng pagmanipula ng mga papel na pera at coins sa social media at website sa Internet.
Paliwanag ng BSP, alinsunod sa New Central Bank Act, sila ang tanging ahensya na may kapangyarihan na mag isyu ng pera sa bansa.
May police power din aniya ang BSP para imbestigahan, arestuhin, mangumpiska ng sa layuning pangalangaan ang integridad ng pera ng Pilipinas.
May police power din aniya ang BSP para imbestigahan, arestuhin, mangumpiska ng sa layuning pangalangaan ang integridad ng pera ng Pilipinas.
Kaugnay nito, umapela ang BSP sa publiko na mag ingat sa mga kahinahinalang impormasyon tungkol sa pera ng Pilipinas sa social media o Internet at ugaliing magtanong sa kanila para sa alinmang paglilinaw sa kanilang website na www.bsp.gov.ph, sa email na [email protected] o telepono (02) 988-4800.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.